Friday, February 02, 2007

PG-13.

2:00pm ngayong araw.

Nasa LRT train ako nun. Punung-puno ng tao... halos hindi na ko makahinga.

May nakatabi akong dalawang aleng nag-uusap.

Eh tahimik naman yung mga tao sa paligid, so naririnig ko talaga yung pinag-uusapan noong dalawang babae.

Eto yung naabutan ko na parte ng kanilang pag-uusap:

Babae 1: Ang tahimik nun. Pero nakatabi lang siya lagi sakin.

Babae 2: O, tapos??

Babae 1: Hindi ko nga alam kung may gagawin siya eh. E gabi na nun... hindi mo alam kung anung pwedeng mangyari.

Babae 2: Tinuloy naman niya yung balak niya?

Babae 1: Bigla niyang kinuha yung bag ko, tapos binuksan niya.


Iniisip ni Sandy: [Shyet, nanakawan siguro yung Ale! Wawa naman]

Babae 2: Ah talaga!!!Grabe siya ah...

Babae 1: Oo nga eh. Tapos nagulat siya kasi yung bag ko may mga P1,000 bills na [makes gesture] na ganyan kakapal o.

Babae 2: [tumawa] O, tapos? Anu sabi niya??

Babae 1: Sabi niya, "Bat andami mong pera??" E di sinabi ko, yan yung suweldo ko dun sa trabaho ko, siyempre.

[At nakiusyoso pa etong snatcher na ninanakawan siya. Ang kapal ah]

Babae 2: E di siyempre natuwa siya dun sa nakita niya.

Babae 1: Oo nga eh. Noong nakita niya yung pera, napangiti na lang siya.

Babae 2: Syempre, pera eh.

[Naholdaaaapp ngaaaa siyaaaa! Oh well. Ganyan talaga ang buhay]











Babae 1: Tapos ayun, nag-check in na kami.


[Teka.. teka. Anu daw? Check-in??]

Babae 2: Ganun ganun na lang ah!

Babae 1: Oo. Tapos naging escort ko na siya gabi-gabi mula noon.

[Ha?! Watdapak!!! Escort?!!]

Babae 1: At saka mutual yung relationship namin. Nakikitira siya sa akin. Tapos syempre, napapasaya niya ako.

[Homaygad. Sugarmommy pala itong aleng 'to]






So ayun.


At wala na kong masabi sa ngayon.

-_-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home